Car shows are conventions for air polluters?

Aaminin ko na mahilig ako sa mga sports cars, pangarap ko ang makabili ng isang Ferrari F430, pero dahil ubod ng mahal ang kotseng ito at madaming lubak at humps sa kalsada ng Pilipinas, hanggang pangarap na lang siguro ito. :P

Pero nananatiling buhay ang pagkahilig ko sa mga magagarang sasakyan, bumibili ako ng mga magazines noon, madami din ang akong laro sa PC na tungkol sa mga kotse at karera tulad ng Formula 1, Need for Speed at GTA. Bumili pa nga ako ng isang MOMO Racing Wheel na gawa ng Logitech para kahit man lang sa mga computer games ay nararanasan ko ang pakiramdam ng magmaneho at makiapg unahan kasama ang mga kampyon na sina Michael Schumacher at Mikka Hakkinen.

Hindi lang sa pangarap bagkos ganoon din sa mga realidad ko, sa uri ng aking mga gawain sa loob at labas ng DLSUD, kung saan-saan ako nakakarating. Tuwing maiimbitahan ako na maging ispiker o tagapagsanay sa mga palihan o training workshops, mga conventions, mga seminars at simpleng paglilibang, madaming nagsasabi na kailangan ko ng sariling sasakyan para maging maalwan para sa aking sarili.

Pero hindi, mas gusto ko, mas sanay ako na magbyahe sa pamamagitan ng pampublikong sasakyan. Mas tipid ngayon kaysa sa pagmamaneho ng sariling sasakyan dahil sa ubod ng mahal ng gasolina at krudo. Mas magaan sa pakiramdam dahil pwede akong matulog, magtext at makinig ng tugtugin habang nasa byahe nang walang pag-aalinlangan dahil hindi naman ako ang nagmamaneho.

Pero ang isa sa mga malaking dahilan kung bakit kuntento ako sa pagiging byahero at hindi nagmamaneho ay dahil sa isa sa aking mga adbokasiya ang pangangalaga sa kalikasan. Sa panahon natin ngayon na lumala ang sitwasyon dahilan sa global warming, ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya, sa personal na kapasidad, upang makabawas sa poluyson.

Aminin natin na tayong mga tao lamang ang nakakalikha ng polusyon kaya sa atin lamang pwedeng isisi ang pagkasira ng kalikasan. Nakakita ka na ba ng mga hayop na gumawa ng pabrika para makakuha ng pagkain nila?

Mabalik ako, ano ang koneksyon ng pangangalaga ko sa kalikasan at pagiging kontento sa pagiging byahero imbis na bumili ng sariling sasakyan? Narito ang sagot:

The important sources of atmospheric pollution on a global or regional         scale are:

      
  1. Automobiles. According to the U.S.           Environmental Protection Agency (EPA), driving a car is the single           most polluting thing that most of us do. Motor vehicles emit millions           of tons of pollutants into the air each year. In many urban areas, motor vehicles are the single largest contributor to ground-level ozone, a major component of smog.
             
             The primary pollutants produced by automobiles are:          
    1. Hydrocarbons. They come from the evaporation of fuel, especially on hot days, leaking fluids, and during refueling at gas stations.
    2. Nitrogen oxides. Produced by high heat during the burning of               fuel.
    3. Carbon monoxide. Produced by the incomplete burning of fuel.
              

    Modern automobiles pollute much less than older models thanks to             emission controls including catalytic converters. But the number of cars is so large, and they are driven so much, they are still major sources of pollution. (source)

             

Kitams? Malaking kasalanan para kay Inang Kalikasan ang paggamit ng sariling sasakyan ngayon. Pero dahil hindi maiwasan, minumungkahi ko na mag carpool o magsama-sama sa isang sasakyan kung meron ang isa sa mga kasama nyo. May polusyon pa rin dahil sa sasakyan pero nabawasan dahil isang sasakyan lang ang dala niyo, sa halip na tag-iisa kayong lahat na magkakabarkada o grupo.

Sa bayan nga ng Silang kung saan ako lumaki, umuso ang mga scooter o motor na pambinata. Gumagastos sila ng malaki para maging "maporma" ang kanilang motor. May mga ilaw, malakas na soundsystem, magara ang pintura, pero ang resulta ay ingay at polusyon. Sagabal pa nga sa mga prusisyon at parada dahil nakakainis na usok at ingay lamang ang kanilang nalilikha. Ubod pa ng yabang ang karamihan sa mga ito, nagkaroon lamang ng motor ay akala mo kung sinong may mahalagang ginagawa sa lipunan, tambay lang naman pala ang iba. (Pasintabi po)

Ganoon din sa mga kotse o sasakyan na apat ang gulong. Totoong maporma at magarang tingnan, pero sa bandang huli, ano ang epekto nito sa ating kapaligiran? Sa ating mga kapwa tao at ibang nilalang?

Kaya kung mapapansin nyo, noong eleksyon sa DLSUD, hindi kami kumukuha ng mga sasakyan at nagmomotorcade. Bukod sa wala kaming pondo para sa gasolina, Ingay at polusyon lamang naman ang nililikha nito, dagdag dito, nagiging mayabang kami sa mata ng mga nakararaming estudyante na ang iniisip ay nang-iinggit lamang kami sa tuwing may sasakyan kami. Tapos hiram lang pala ang mga sasakyan, kaya sino ang niloko namin? (Muli, pasintabi)

Ngayon, kung ang isang sasakyan at pagmamaneho nito ay isa sa mga pinaka-malakas sa polusyon, ano pa kaya kung magsama-sama ang mga ito sa isang car show o convention?

Sa tingin ng mga may malasakit sa kalikasan ito ay convention ng mga air polluters.

                            

Compound in plastic bottles may cause cancer

Mahilig ka ba sa C-2? O kaya sa Nestea na mabibili sa kahit anong canteen sa DLSUD o kahit san man? Alam mo ba na may chemical compound sa mga plastic bottles at food packaging na pwedeng magdulot ng cancer?

Nandito ang buong kwento.

Kailan ba ako huling nagsulat ng love letter?

Nakakatuwa naman ang araw na ito, simula ng student elections sa DLSUD pero heto ako, nasa bahay pa at nagsusulat. Dapat kagabi pa, pero sobrang pagod ako mula kahapon kaya nagbasa na lang ako ng emails, nagbura ng spam at natulog na.

Bakit naman nakakatuwa ang araw na ito? Salamat kay Sir Martin, sa kanyang post na “The Lost Art of the Love Letter” binalikan niya ang sining ng pagsusulat ng mga liham ng pag-ibig.

Mula nang siya ay nasa elementarya pa hanggang sa mag-kolehiyo. Hindi ko maiwasang matawa sa aking sarili dahil halos kapareho kami ng nararamdaman tungkol sa pagsusulat ng mga love letter. Mula sa takot at kaba sa kung ano ang isusulat, paano ko sisimulan hanggang sa paano ko tatapusin.

Sundan ang buong kwento dito

Mahirap maging kuya...

Pero dumadating ang punto na hindi lahat ay kaya kong tulungan, hindi lahat ng tumatawag sa akin na “kuya” ay nagiging masaya o may napupulot na aral. Mas mahirap pa, kapag ako ang nalalagay sa pagitan ng dalawa o higit pang mga “nakakabata” sa akin. Parehong lumapit sa akin, sa paniniwalang makakatulong sa kanila si “Kuya Jhay”.

Ano ang aking gagawin? Ano ang aking ginagawa? Isa sa mga nagpatibay ng pangalan kong “Kuya Jhay” ang pagiging “marahas, pranka at tapatan” kong pakikitungo o pagbibigay ng opinyon o payo sa mga lumalapit sa akin. Ito ang paraan ko ng pagiging “Kuya”, ang imulat at ipakita sa iba ang katotohanan ng kanilang sitwasyon na dapat naman nilang tanggapin o gawan ng aksyon, na kadalasan ay hindi madali para sa kanila.

Pero ang mas mahirap, ay yung dumating ang pagkakataon na makita ng iba na “iba ang ginagawa ni kuya jhay sa mga sinabi, payo at aral niya.” Nakakagulat, nakakawindang, nakakasakit sa iba, at itong bagay na ito ang labis na nakakaapekto sa akin. Sa ganitong sitwasyon, nauubusan ako ng sasabihin, nawawalan ako ng maipapayo; paanong hindi eh ako mismo ang lumalabag sa mga sasabihin o ipapayo ko.

Bitin ba sa emo-ness na ito? Narito ang buong kwento

Download the new 2008 USC Constitution + an easy Guide now

As promised, copies of the new 2008 USC Constitution is now available for every to download. You can read, share, discuss or print copies of the new 2008 USC Constitution with your classmates, friends, special someones, even your professors and instructors in DLSU-D.

To help every DLSU-D student to better understand the new 2008 USC Constitution, an easy to read guide is also available for every one to download. It explains in easy terms the provisions and effects of the new 2008 USC Constitution.

For everyone's reference, a copy of the OLD 1999 USC Constitution is also available for download so that it can be compared to the new 2008 USC Constitution highlighting the improvements and changes made by the Students' Constitutional Convention.

With this, it is the belief and hope of the USC and all the other student-leaders in DLSU-D that every student will know something about the new 2008 USC Constitution. It would also help every one in making their vote in the upcoming plebiscites this coming February 11 to 15, 2008.

A guide for the online vote will be posted here soon.

If you have questions or clarifications or would like to volunteer your support for the approval or ratification of the new 2008 USC Constituttion please leave a message in the comments below.

Support the new 2008 USC Constitution, vote for YES in the plebiscite on February 11 to 15, 2008 and be part of DLSU-D history! :D

Wala na akong sembreak :(

wala lang, kakaiba diba? si kuya julius
nagbulleti n ng hindi announcement o
invitation o bagay na mabigat, hehehe

siguro dapat sa blog na lang ito,

umuuwi na lang ako para matulog, kumain
at maligo. :(

oh well, kung ito man ang huli kong sem
sa dlsud, ok lang. Malupet at historical
naman ang mga bagay na iiwan ko, hekhekhek

sal amat sa mga naging kaibigan, kasama,
katropa, kakulitan, katunggali, mga prof
na nabara, naging kasangga at gumabay sa
akin. (drama mode?!) at higit sa lahat
sa mga naging kasama sa piling ni san
miguel at san gabriel, hahahahaha

sa lahat ng mga nakilala ko, sana ay
naging makabuluhan ang ating pagtatagpo,
gaano man ka iksi o katagal. Nakz!

PS
Suportahan nyo po sana ang darating na
Consitutional Convention ng USC at ng
lahat ng mga college councils at orgs sa
DLSU-D. :D

Buhay pa ang blog na ito

Sa dami ng ginagawa ko at dami ng blogs na mina-manage ko, ngayon ko lang naalala na may Friendster blog nga pala ako.

Binista ko ang mga nakaraang nakapaskil dito at tila napaka-seryoso nga. hehehe

Siguro ay nalilmutan ko na ngang mag-saya na lang paminsan-minsan. Pero nagiging masaya ako sa pagiging abala, nagiging masaya ako sa pagtulong kahit minsan o madalas ay napapabayaan na ang sarili. (ehem)

Pero ayos lang yan. Wala na akong maisip....teka, heto na lang....

Bisitahin nyo nga pala ang website ng Genshiken La Salle. http://genshiken-lasalle.org

masaya, exciting at magiging adik din kayo sa anime kapag nakita nyo, hehehe pero kakaunti pa lang ang laman kasi kakaumpisa pa lang niya.

Maraming salamat kina Greg, Mac at ang mga officers at members ng Genshiken sa pagkakataong makasama at makatrabaho ko sila sa isang bagay na hilig ko, ang blogs at internet.hehehe

May susunod pa sa website ng Genshiken, abangan nyo na lang, dahil tiyak akong magugustuhan nyo din ang susunod. hehehe

Hanggang sa muli, sa lahat ng mga kilala at nakakakilala sa akin, padayon sa inyong lahat. Mannequin, rock on lang!

Sa CLASC, CBASC, CIHSC mabuhay kayong lahat!

Meeting Mong Palatino in person » Pinoy Explorer | Blogging about of technology, science, health, biology, politics and among other things.

“Palatino? Hindi kaya si Mong Palatino ito?” I asked my self in silence as I squinted more to adjust my eyes in order to get a better look at him. Then there is was, a simple phrase from him confirmed my suspicions, “It’s a good thing that to see that internet, especially blogs has started to become prominent tools for advocacy work.”

Just the words “blogs” + “advocacy” galvanized my suspicions. “Siya nga! Si Mong Palatino nga ng Mongster’s Nest!” I exclaimed to myself while I smiled at the fact that finally, I’ve met a fellow blogger of mine in the real and living flesh. Determined not to let this opportunity go to waste, I stood up and walked towards where I saw Mong took his seat after receiving the token gifts - which he truly deserved - of appreciation to formally introduce myself and make a real, offline, person-to-person contact with a fellow blogger whom I truly respect and admire.

Read more

Tutulan ang Ternate Landfill!

Ang naturang lugar ay idineklara din bilang bahagi ng bufferzone ng Mt. Palay palay - Mataas na Gulod Forest Reservation/National Park, (Proclamation No. 1594). Bilang isang deklaradong lugar para sa konserbasyon ng likas na yaman at turismo, ang Ternate ay hindi dapat pahintulutang malapastangan, bagkus ito ay patuloy na dapat maproteksyunan. Kasabay nito, ang Ternate ay naitalaga bilang Environmentally Constrained Area, ayon din sa Provincial Developmental Plan ng Cavite. Ito ay nangangahulugan na hindi maaaring gumawa ng anumang aktibidades o proyekto na maaaring makaapekto o makapagpabago sa natural na estado ng naturang lugar.

Idagdag pa dito ang katutuhanang ang lupa sa naturang lugar ay volcanic, na ang uring ito ay makakapagpalala lamang ng pagsira ng lining ng isang landfill, dahilan ng pagtagas ng mga nakalalasong katas ng basura. Kung sa gayon, ang Ternate ay hindi tugmang lugar para sa isang tambakan ng basura. At ayon din sa mga pag-aaral, tulad ng ginawa ng Unioted States - Environmental Protection Agency (US-EPA), kahit pa sa isang normal na uri ng lupa at mataas na kalidad ng liner, ang kahit anumang landfill ay magkakaroon ng pagtagas ng mga nakalalasong katas, dahil na din sa mga kemikal na dulot ng mga itinambak na basura.

Makiisa ka

 

Fighting the common cold

Of course, the healthier the immune system you have, the better chances your body has in defeating the invading cold virus and prevents you from getting the common cold. You can boost your immune system by of course eating a healthy diet, resting well (read: getting the right amount of sleep), drinking lots of fluids, vitamin supplements, covering your nose and mouth when some one else coughs or sneezes nearby and of course by washing your hands before eating something or rubbing your eyes.

I’ve been doing everything I mentioned before except for the part about getting the right amount of sleep, because for the past weeks, no months, no years, I’ve become accustomed to sleeping late at night and often times less than the recommended 8 hours. Then again, I compensate with regular green tea, tai chi practice and citrus fruits.

Read more